Ang Prinsipe ni: Nicolo Macchiaveli Salin ni Moreal Nagarit Camba
(Sanaysay mula sa Italya)
Kapuri-puri para sa isang Prinsipe na panatilihin ang kanyang salita at mamuhay ng may integridad at hindi manlilinlang. Gayumpaman, batay sa ating karanasan sa kasaysayan, ang mga Prisipe ay nakagawa ng mga dakila ay yaong hindi gaanong isinaalang-alang ang pagtangan sa pananampalataya.
Kung gayon, dapat mong malaman na may dalawang paraan ng pakikipagtunggali--- ang isa sa alinsunod sa mga batas, ang isa ay sa pamamagitan ng lakas.
Simula noon, nararapat na malaman ng Prinsipe kung paano gamitin ang likas na katangian ng hayop, kailangan niyang piliin ang maging soro at leon; sapagkat hindi kayang ipagtanggol ng soro ang sarili sa mga lobo. Ang matalinong pinuno, kung gayon, ay hindi dapat at kailangan na magkaroon ng isang salita dahil maaari siyang baliktarin sa pagtalima rito at kung ang dahilan ng pagbibigay niya ng pangako ay nawala na.
Subalit, kailangan niyang itago nang mabuti ang tunay niyang kulay at maging mahusay sa pagkukunwari at panlilinlang. Walang muwang ang mga tao at abala sa kanilang mga pangunahing mga pangangailangan kaya laging may maloloko ang manloloko. Samakatuwid, hindi kailangan taglayin ni isang Prinsipe ang mga nabanggit na katangian, bagkus ay kailangan niyang papaniwalain ang iba na taglay niya ang mga ito.
Dagdag pa rito, maglalakas loob akong sabihin na: "Ang pagkakaroon nito at pag-aasal dito ay nakasasama, subalit ang magpanggap na inaasal ito ay nakakabuti; halimbawa, ang magkunwaring maawain, makatao, mapagkakatiwalaan, maka-Diyos. Dapat maintindihan ito hindi makikita ng Prinsipe lalo na yaong mga baguhan, ang mga mabubuting katangian ng mga tao, sapagkat upang mapanatili ang estado, kinakailangan niyan kumilos laban sa kanyang pananampalataya, sa kabutihan, sa sang-katauhan, sa relihiyon.
Samakatuwid, marapat na maging maingat ang isang Prinsipe sa mga lumalabas sa kanyang labi na hindi ayon sa limang katangian na nabanggit. Walang mas mahalaga kaysa sa mapaniwala na taglay mo ang huling katangian. Nanghuhusga ang tao batay sa kanilang mata kaysa sa kanilang mga kamay: lahat ay nakakakita, subalit iilan lamang ang nakakaramdam.
Sapagkat ang mga karaniwang tao ay laging napapaniwala sa mga hitsura at sa mga bunga ng mga pangyayari. At ang mundo ay puno ng mga taong may magaspang na ugali; ang ilan sa kanila ay walang lugar, samantalang ang marami ay may maluluguran. Isang Prinsipe sa kasalukuyang panahon, mabuting hindi na dapat pangalanan, ay nangangaral ng kapayapaan at pananampalataya, na kapwa niya hindi tinatalima. Kung kapwa niya itong pinaniniwalaan, matagal nang nakuha sa kanya ang kanyang reputasyon o ang kanyang estado.